aso

Mga Wastong Paraan ng Pagtrain sa Iyong Aso

Marami sa atin ang aliw na aliw sa tuwing nangungulit ang mga alaga nating aso. Ngunit may mga pagkakataong napapakamot talaga tayo ng ulo dahil sa kanila. May mga oras kasi na nakasisira sila ng gamit sa bahay o kaya naman ay nagiging masyadong aggressive. Kaya naman mas mabuting i-train sila para na rin sa kanilang kapakanan. Sa article na ito, hihimayin natin ang ilang mga paraan kung paano turuan ang ating mga aso.

Ano nga ba ang ilan sa mga effective na paraan upang matuto silang dumumi sa tamang dumihan, maging mas maamo lalo na kung may ibang aso, at iba pa? 

Kung first time mong magtuturo sa iyong furry friend, hindi ito magiging madali. Kailangan mong habaan ang iyong pasensya dahil nasa nature na nila ang pagiging makulit. Parang malaking proyekto ang pagtrain sa mga aso. Hindi ito natatapos sa simpleng pagsabi lang ng “sit,” “up,” at iba pa. Ngunit kung magbabatay ka sa step-by-step instructions, mas mapapadali ang iyong trabaho. Bago tayo tumungo sa paraan kung paano i-train ang ating mga alaga, atin munang basahin ang mga bagay na dapat tandaan bago sila turuan.

aso
Source: Pexels

Mag-Establish ng Dog Obedience Program

Ano ang ibig kong sabihin sa dog obedience program? Simple lang. Magtatag muna ng mga foundation bago simulang turuan ang iyong furry friend.

Bumuo ng Six-Week Calendar

Gaya ng sabi ko kanina, hindi madali ang pagtuturo kung kaya naman mas magiging smooth ang proseso kung gagawa ka ng calendar. Dapat at least six weeks ang itatagal nito dahil kadalasan, ganoon katagal bago matuto ang mga aso. Pero depende na rin ito sa breed nila. May iba kasing hayop na mas matalino kaysa sa ibang lahi.

Gumamit ng mga Games sa Pagtuturo

Para mas mapadali ang pag-train sa alaga mo, mas mabuting gumamit ng mga games. Dapat kasi fun ang training para ma-enjoy ito ng iyong alaga. Kahit sino naman siguro mas gugustuhin kumilos kung interesado sila sa gagawin.

aso
Source: Pexels

Magkaroon ng Positive Attitude During Training

Maraming paraan kung paano tuturuan ang iyong mga alaga ngunit ang isa sa mga pinakamabisang option na maaari mong i-consider ay ang pagkakaroon ng positive attitude. Mas naa-absorb ng mga aso ang itinuturo natin kung hindi sila tinatakot. 

Ngayon na alam mo na kung ano ang mga bagay na dapat tandaan bago simulan ang training, magtungo na tayo sa mga wastong paraan kung paano gagawin ang nasabing pagtuturo. 

Crate and House Training

Ang portion na ito ay para sa mga pet owners na hinahayaang lumibot sa loob ng bahay ang kanilang mga alaga. Of course, gusto nating komportable sila sa ginagalawan nila dahil parte na sila ng pamilya. Kaya naman kung saan tayo, doon din sila. 

Sa ganitong sitwasyon, sobrang crucial ng training para sa mga furry friends natin. Ito kasi ang magdidikta kung magiging sakit ba sila ng ulo. Kailangan silang turuan kung saan dudumi upang manatiling malinis ang bahay. Sino ba naman ang may gusto ng madumi at mabahong tirahan? Kaya naman mahalaga ang house training. Tinatawag ito ng iba bilang housebreaking o potty training. 

aso
Source: Pexels

Para magawa ito nang maayos, maaaring gamitin ang crate training bilang mabisang teknik. Alam naman natin na pwede natin ilagay ang ating mga alaga sa crate tuwing aalis tayo ng bahay at walang ibang magbabantay. Sa crate training, kailangan mong ikulong sila sa crate upang turuan sila ng tamang pagdumi. 

Karamihan sa mga aso ay hindi umiihi o dumudumi sa spot kung saan sila natutulog kaya naman kung isasabak sila sa crate training, matututo silang magpigil. Hinding-hindi sila dudumi sa loob dahil na-establish na nila na pahingahan nila ito. Kaya naman mabuting piliin din natin ang uri ng crate na naaayon sa alaga natin.

Paano nga ba ang tamang pagpili nito?

aso
Source: Pexels

May iba’t ibang types ng cage. May plastic pet carrier, may wire cage, at pati na rin nylon crate. Ngunit saan nga ba sila fitting? Alamin natin. 

Wire cage ang karaniwang binibili ng mga pet owners. Sa ganitong cage nakikitang mabuti ng mga aso ang paligid kung kaya naman mas kalmado sila rito. Bukod pa roon, may extra panels din ang wire cage kaya posible itong mai-adjust depende sa laki ng alaga mo. May sliding tray rin ang ganitong crate kung kaya naman mas madali itong linisin kumpara sa ibang type. 

Magandang option din ang plastic pet carrier kung isasabak mo ang furry friend mo sa crate training. Ang ganitong uri ng kulungan ay kadalasang nakikita kapag nagtatravel through air. Ngunit may drawbacks ang plastic pet carrier. Kung ikukumpara sa wire cage, walang masyadong nakakapasok na light sa ganitong type ng kulungan. Bukod pa rito, enclosed din ang three sides nito kung kaya naman mas mahirap itong linisin. 

plastic pet carrier
Source: Wikimedia

Nylon crate o soft-side crate naman ang ginagamit sa tuwing aalis kayo ng bahay. Mas magaan kasi ito at mas nabibitbit kumpara sa ibang crate. Ang madalas lang na nagiging problema sa ganitong kulungan ay madali itong masira, lalo na kung mahilig magngatngat ang alaga mo. 

Ngayong alam nyo na kung paano pumili ng tamang crate. Narito naman ang step-by-step instructions kung paano gagawin ang crate training. 

Introduction to Crate

Dapat maging mapagpasensya ka sa stage na ito. Ang pag-introduce ng crate sa iyong mga furry friends ay dapat na mabagal lamang upang hindi sila ma-overwhelm. Maaari kang maglagay ng dog treats o toys sa crate para kusa silang pumasok dito. Pagkatapos noon ay hayaan mo lamang sila na mag-explore sa loob. Dahil bago lamang ito sa kanilang paningin, paniguradong mag-aaamoy muna sila bago mahiga o mag-settle. 

Huwag na huwag mo silang pupwersahin na pumasok sa kulungan dahil maaari silang mag-develop ng aggression.

wire crate
Source: Pixabay

“The perception that dogs bite their owners or other familiar people because they are competing for ‘alpha status’ has largely been replaced by the realization that dogs bite for defensive reasons that are not related to a social hierarchy,” sabi ni Dr. Ilana Reisner, PhD, DACVB.

Ibig sabihin lamang nila ay nagiging aggressive ang mga alaga natin hindi dahil sa nature nila ito kundi dahil sila ay napupuno ng takot. Nagiging defensive sila sa tuwing pinupwersa ng ibang tao o maging ikaw na kanilang amo. 

Gumamit ng reward and recognition system para mas maging epektibo ang pagtuturo. I-praise mo ang iyong furry companion kapag nagawa niyang pumasok sa crate. Bigyan din siya sa isa pang treat. Hayaan mo lang na maglabas pasok siya rito dahil paraan ito ng mga aso upang mas maging pamilyar sa isang spot.

aso
Source: Pixabay

Pag-Confine sa Crate

Matapos ma-introduce sa mga furry friends natin ang crate training, mas mapapadali na ang pagtuturo sa kanila dahil mas komportable na sila rito. Higit pa rito, den animals ang mga furry friends natin. Kailangan nila ng spot o place na maituturing nilang secure o safe. Ito ang mga dapat gawin.

  • Obserbahan mo kung komportable na ang alaga mo sa paglabas pasok sa kanyang kulungan. Kapag oo, dito mo na pwedeng simulan ang confinement. 
  • Maglagay ka ng treat sa loob ng kanilang crate at isara mo ito sa oras na makapasok ang iyong mga alaga.
  • Maghintay ka ng ilang minuto bago ito buksan muli at saka sila palabasin. Tingnan ang kilos ng iyong mga aso. Kung nagwawala na sila ay dapat agad na palabasin.
  • Ulit-ulitin lang ang mga naunang proseso ngunit i-tweak o baguhin ang duration ng confinement nila sa crate. I-extend lang ang oras nang paunti-unti upang masanay rin sila sa loob.
  • Kapag napansin mong sanay na ang mga alaga mo sa loob ng kanilang crate, hayaan mo lamang silang manatili pa nang mas matagal upang tuluyang ma-establish na safe place nila ito.
  • At ang pinakamahalang step sa training na ito ay ang pagpapanatili ng positve reinforcement. Hindi mo dapat iparamdam sa furry companion mo na punishment ang pagkakulong sa kanilang crate. Kapag ginamit mo rin ito kapag pinagagalitan sila, hindi nila maiintindihan ang itinuturo mo sa kanila. Magdadala lamang ito kaguluhan sa kanilang mga isip.

House Training

Ang pagsasanay na ito ay dapat masimulan kaagad pagkadating pa lang ng furry companion mo sa bahay. Alam naman siguro ng lahat na mas mahirap turuan ang mga puppies (na may edad hanggang 12 weeks) kaysa adult dogs sa pagpipigil ng kanilang bladder o bowel. Kaya mas matrabaho ang ganitong pagtuturo. 

Tandaan ang mga sumusunod bago magsimula:

  • Mas madaling turuan ang puppies kung ipi-praise sa tuwing nagbebehave sila. 
  • Siguruhing consistent o solid ang routine na ituturo sa kanila.
  • Huwag na huwag mong ipa-punish physically ang iyong mga alaga sa tuwing nagkakamali sila dahil nagdadala ito ng trauma. Lalong ‘wag gagawin ito sa mga puppies. 
  • I-correct mo lamang ang iyong mga alaga kung nahuli mo ito sa akto. Kapag kasi itinama mo sila kahit hindi mo naman nahuli, hindi nila maiintindihan kung bakit mo sila itinatama. Hindi sila matututo sa ganitong paraan.
aso
Source: Pikist

Set a Schedule

Ang secret sa likod ng successful house training ay pagiging consistent. Kung makagagawa ka ng patterns na madaling masusundan ng iyong mga alaga, mas madali nilang makukuha ang itinuturo mo. Para ma-maintain ang consistency, magset up ka ng routine. Maaring mong gawin ang sumusunod:

  • Kailangan parehas lagi ang oras ng gising mo. Mag-set ka ng time na magwowork para sa’yo. Kapag nakapili ka na ng oras, ilabas mo ang mga alaga mo for a morning walk. Kailangan din nilang masanay sa oras na sinet mo. 
  • Magset ka rin ng oras ng meals nila at mamili ng pwesto kung saan mo ilalagay ang pagkain. 
  • Matapos nilang kumain, lagi mo silang ilabas ng bahay. Sa ganitong paraan, matututo silang dumumi sa labas. Mas mataas kasi ang probability na mag-defecate sila matapos kumain.

Maging Alerto sa mga Signs

Kailangan maging observant tayong mga pet owners. Kung minsan kasi nagpapakita sila ng signs ng discomfort tulad ng pacing. Kung napansin mong panay ang sniff ng alaga mo o kaya naman ay panay ikot, maaaring naghahanap na ito ng spot kung saan magdedefecate o iihi. Kaya kapag ganito, pasunurin mo na agad sila sa’yo sa labas upang mapanatiling mabango at malinis ang loob ng bahay.

Source: Pikist

Kapag naman nahuli mo sa gitna ng pagdefecate o pag-ihi ang alaga mo, magsabi ka ng ‘no’ gamit ang iyong firm voice. At saka mo siya i-direct sa labas ng bahay upang tapusin ang kanyang ginagawa. Kapag natapos na siya, doon mo i-apply ang recognition system. 

Mamili ng Keyword

Magdecide ka muna kung anong keyword ang gagamitin mo bilang command sa iyong furry companion bago mo ito bigkasin sa kanila. Maaaring gamitin mo ang mga salitang “no”, “sa labas” at iba pa. Kahit ano pa man yan, sabihin lamang ito nang paulit-ulit sa kanila. Kapag inuutusan mo silang lumabas, siguruhing i-lead sila sa same spot lamang. Mas matututo kasi sila kung mare-recognize nila ang odor na iniwan nila roon.

Gumamit ng Crate

Gaya ng sabi ko kanina, magagamit ang pagsanay sa mga aso sa loob ng crate sa kanilang house training. Kapag walang tao sa bahay, mas mabuti kung iiwan sila sa loob ng kanilang kulungan kaysa pakawalan lamang sa loob ng bahay. Ngunit dapat tandaan na hindi sila dapat maiwan ng lagpas anim na oras sa loob ng crate. Maaari kasing hindi na nila mapigilang umihi o mag-defecate.

Source: Pexels

Kung hindi ka kaagad makakauwi ng bahay, mag-utos ka muna sa isa sa mga mapagkakatiwalaan mong kakilala. Sa ganitong paraan, hindi mabe-break ang routine na sinet mo. Kung ayaw mo naman ilagay ang iyong mga alaga sa crate kapag aalis ka ng bahay, may iba kang pwedeng i-consider.

Kung hahayaan mo lamang sila magpaikot-ikot sa loob ng bahay, siguruhing non-absorbent ang floor sa isang room. Maglagay ka ng training pad sa isang sulok at bed and toys naman nila sa isa pang corner. Kadalasan, mas gusto ng mga aso na magbawas sa absorbent floors ngunit kung nasa isang sulok ang bed nila, mas pipiliin nilang umihi o mag-defecate sa training pads. Mas matagal ang ganitong proseso kaysa sa crate training. Gayunpaman, epektibo rin ito.

Habaan ang Pasensya

Maaaring tumagal ng ilang buwan ang house training kung kaya naman kailangan nating mga pet owners na magkaroon ng mas mahabang pasensya. Nasa nature na ng mga furry friends natin ang pag-please sa kanilang mga amo kung kaya naman lagi silang makulit o sobrang sigla. Kaya kung magkakamali sila, gumamit ng tamang discipline technique at ‘wag na ‘wag magreresort sa violence. Kapag natuto sila, may positibong epekto ito hindi lang sa kanila kundi pati na rin sa’yo.

Source: Pxfuel

Pagkontrol sa Submissive o Excitement Urination

May mga aso na maaaring mag-exhibit ng urination issue. At alam mo ba na ang inappropriate urination ay kalimitang nag-iindicate ng underlying health problem? Kaya kung may alaga kang aso, siguruhing binabantayan mong maigi ang bawat kilos nila. 

May mga pagkakataong naiihi sila gawa ng sobrang excitement. Minsan naman mao-observe ito tuwing nagpapakita sila ng submissive behavior. Ngunit ano nga ba ang isyung ito? Mas alamin pa natin. 

Bakit naiihi ang mga aso kapag submissive? 

Naranasan mo na bang maiihian ng iyong alaga pagkalapit mo sa kanya? Kung oo, maaaring may submissive behavior ang iyong furry companion. Karamihan sa mga asong may ganitong behavior ay biktima ng rough treatment matapos mahuling umiihi nang hindi tama.

Ayon kay Pat Miller, CBCC-KA, CPDT-KA, “A pup who is punished by his owner for normal housetraining accidents (or other typical puppy transgressions such as chewing) may start offering submissive urination in anticipation of the punishment associated with his owner’s presence.” Yan ang sabi ng isang professional nang tanungin tungkol sa mga asong may trauma. Ibig sabihin niya lamang ay kailangan ulit i-build up ang iyong furry companion.

So bakit nga ba ganito ang mga submissive dogs? Umiihi sila para i-appease kung sino man ang papalapit sa kanila dahil tingin nila sa taong ito ay “socially dominant.”

Source: Pexels

“After a puppy is born, he will go through socialization periods which are structured to maximize the species’ survival. The first socialization period occurs when the puppies are still in the den and only interact with family members,” sabi ni Angie Madden, CPDT-KA

Mahalaga ito dahil dito namo-mold kung paano makitungo ang aso sa kapwa nila aso pati na rin sa mga tao. 

Paano mapipigilan ang submissive urination?

Kung makita mong umihi lang kung saan ang alaga mong may submissive behavior, huwag na huwag mo itong sisigawan o kaya naman ay pagagalitan. Sa halip ay gumamit ka na lamang ng mga simple commands gaya ng “sit” at “stay” upang ma-boost ang confidence ng iyong furry companion. At huwag mong kakalimutang magbigay ng treat once nagawa niya ang iyong utos.

Source: Piqsels

Maaari ring gumamit ka ng mga non-dominant gestures upang magpakita sa kanya ng suporta imbes na mag-instill ng takot. 

  • Iwasan ang direct eye contact dahil nakapagti-trigger ito ng aggression at siguruhing magcrouch down sa level ng iyong mga alaga bago sila lapitan sa mula side. Ito ay upang hindi sila magulat. 
  • Sa tuwing pine-pet mo ang iyong furry friend, mas mabuting sa chin mo ito gawin kaysa sa ulo dahil nakapagdadala ito ng mas relaxing na effect. 
  • Kapag umihi ang alaga mo sa maling spot, huwag na itong gawing big deal pa. Sa halip ay gumamit na lamang ng reward system sa tuwing tama ang lugar na pinagbabawasan niya. 

Bakit naiihi ang mga aso kapag excited? 

Kung adult dog na ang mga alaga mo, hindi ka na dapat na gaanong mangamba sa excitement urination dahil kadalasan lamang itong nangyayari sa mga puppies (hanggang one year old). Minsan ay may pagkakataong nakaka-experience ang adult dogs ng urinary incontinence. Hindi nawawala overnight ang ganitong habit ngunit kung pagtitiyagaan ay mareresolba rin naman. 

aso
Source: Pixabay

May mga oras na maiihi na lamang sila habang naglalaro o kaya naman ay nakakita ng bisita. Mas maging mapagpasensya tayo at intindihin din natin na innate ang ganitong character sa kanila. 

Paano mapipigilan ang excitement urination?

Consistency, calmness, at quiet demeanor ang ilan sa mga bagay na kailangan mong taglayin upang matulungan ang iyong furry friends na solusyunan ang kanilang excitement urination. 

  • Ika nga nila, “prevention is better than cure.” Kung masyado kang nag-aalala na umihi sila dahil sa sobrang excitement, maaaring i-set mo ang paglalaro nila sa labas lamang ng bahay. Kung ayaw mo naman sa labas, pwedeng maglatag ka ng mga dyaryo at puppy pads upang hindi ganun kakalat kung sakaling umihi sila habang naglalaro. 
  • Kung sakaling maihi sila sa loob ng bahay sa sobrang excitement, gaya ng asong may submissive behavior, huwag mo silang sisigawan. Linisin mo lang ang area kung saan sila naihi at siguruhing wala na talaga ang odor nang sa gayon ay hindi na maulit. 
  • Bigyan mo ng treats ang iyong mga alaga sa tuwing nagagawa nilang umihi sa tamang spot. Sa ganitong paraan kasi makapag-e-establish ng pattern sa isip nila na iyon ang tamang gawin. 
  • Nakakatuwang i-greet ang furry friends natin lalo na kung kagagaling lang natin sa trabaho. Ngunit kung ang alaga mo ay may urination issue, mas mabuting i-tone down o i-minimize mo muna ang greetings habang hindi pa sila sanay magkontrol nito. Masasabi bang cruel ang ganitong treatment? Hindi, sapagkat binibigyan mo ng chance ang alaga mo na kumalma on its own. 
  • Kapag umihi ang alaga mo during walks o sa designated peeing areas, bigyan mo siya ng treat upang mas lalong masanay.
Source: Wikimedia

Health Issues na Nagdudulot ng Urination

Kung napansin mong hindi na tama ang pag-ihi ng mga alaga mo, mas mabuting dalhin mo na sila sa veterinarian para naman malaman kung may underlying health issue ba sila at maagapan agad. Isasailalim sila sa test na tinatawag na urinalysis upang malaman kung may urinary tract infection nga ba sila. Diagnostic tests naman gaya ng X-rays ang gagawin upang tingnan kung may bladder stones or cystitis sila. 

Kung minsan, kahit na masigla ang mga alaga natin, mas mabuti pa ring ipinapacheck-up sila sa professionals dahil may ilang sakit na hindi agad nagpapakita ng symptoms. 

Leash Training

Mahalagang bigyan ng leash training ang ating mga aso para na rin sa kanilang safety at security ng ibang tao sa labas. Sa loob ng bahay, kaunti lang ang ingay na maaaring mag-trigger ng aggression. Subalit sa labas, mas delikado dahil mas maingang at maraming maaaring masaktan. 

aso
Source: Pixabay

Tuwing lalabas kayo for walks, siguruhing i-introduce sa kanya ang paggamit ng leash. Sa una, maaaring hindi sila komportable, ngunit huwag kang bibigay agad. Hindi dahil nakita mong kinakagat-kagat lamang nila ito ay huhubarin mo na. Gabayan mo lamang sila. 

Kapag gagamit ka ng leash, sigurihing hindi ito ganoon kahigpit. Mas mabuting loose ito, ngunit huwag naman to the point na kayang kaya niya itong tanggalin. Kapag kasi loose ang leash, mas magiging enjoyable ang pamamasyal niyo. 

Kung gusto mo pang magbasa na ilang mabisang paraan kung paano mo maalagaang mabuti ang iyong mga aso, nandyan ang The Furry Companion para tulungan ka sa mga kailangan mo. 

Source: Pexels

Frequently Asked Questions 

Anong level ng freedom ang pwedeng i-expect ng mga alaga nating aso kapag na-train sila nang maayos? 

Kapag trained ang aso, mas nagiging maluwag ang mga pet owners sapagkat alam nilang mapagkakatiwalaan na ang mga ito kahit na naiiwan mag-isa sa bahay. 

Kailangan mo bang mag-invest sa professional dog training programs? 

Kahit naman ikaw lamang ang nagtuturo sa alaga mo, may chance pa ring matuto ito basta alam mo ang ilan sa foundations o basics ng dog training. Gayunpaman, maganda rin na mag-invest sa professional dog training programs sapagkat mas alam nila kung paano i-handle ang ating mga furry friends. 

Anong ibig sabihin ng positive training or positive reinforcement? 

Kapag sinabing positive training, pumapasok dito ang rewards and recognition system. Mas pinagtutuunan ng pansin ang pagboost ng confidence ng aso kaysa pananakot sa kanila upang matuto ng kung ano mang tinuturo nating pet owners. 

Sino ang nagbe-benefit sa dog training?

Lahat ay nagbe-benefit sa dog training, pati na rin ang aso mo. Kapag nasa loob ng bahay, hindi mo na kailangan magpakapagod sa paglilinis ng mga dumi kung trained ang aso mo sa tamang pagdefecate o pag-ihi. Kapag naman nasa labas ka ng bahay, hindi na ganoong matatakot ang ibang tao dahil hindi agresibo ang alaga mo.

Ilang taon dapat ang aso ko bago simulan ang training? 

Maaari mong i-train ang alaga mo kung kailan mo gusto, ngunit mas advisable na turuan mo kaagad ito sa oras na ma-acquire mo ito. Kung puppy ito nang iyong makuha, simulan mo na agad dahil mas mahirap kapag adult na sila bago turuan. 

Anong training method ang pinakamabisa? 

Ang bisa ng training methods ay nakabase sa kung paano kumilos ang alaga mong aso. Kaya naman mas mabuting obserbahan mo muna ito bago ka mamili ng training method.

Ayos lang bang ipadala ang aso ko sa isang dog trainer?

Kapag pinadala mo ang iyong aso para sa dog training, mahirap nang kunin ang kanyang tiwala. Ang dog training ay isang mabisang paraan para magkaroon ka at ang iyong aso ng tiwala sa isa’t isa. Pero kung may ibang isyu ang iyong aso na nais mong tugunan, maaari kang kumuha ng isang dog trainer.

Gaano katagal mag-train ng alagang aso? 

Hindi pare-pareho ang training period ng lahat ng aso. May ilang mabilis maka-pick up ng itinuturo. May ilan namang inaabot na ng ilang sessions ngunit hindi pa rin natututo. Kadalasan, inaabot ito ng six weeks hanggang ilang buwan. 

Maari ko bang turuan ng sabay ang dalawa kong aso o dapat separate sila? 

Maaari namang magkaroon ng concerted training ngunit kailangan mo ng katulong. Kung isa ka lang na magsasagawa ng training, mahihirapan ka rito sapagkat likas na makulit ang mga aso o kaya naman ay aggressive kapag may kasamang kapwa aso. 

Bukod pa rito, mas mapapabilis ang pagtuturo kung magko-concentrate ka muna sa isa dahil mas matututukan mo ang mga kilos nito. 

Paano turuan ang aso ng tricks?

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *