askal

Six Reasons Why You Should Care For an Askal

“Ano ‘yan? Askal?” Kung ikaw ay may alagang askal, marahil ay narinig mo na ang tanong na ito. Pero, bakit nga ba may ganitong tanong? May stereotype kasi tayo sa mga askal. Madalas sinasabi na sila ay agressive, galisin at iba pang mga di kanais-nais na description. Ang mga ito ay bunga ng mga idea tungkol sa kanila na naitatak na sa ating mga isip mula pa sa ating pagkabata. Kasama na rin dito na sa paglipas ng panahon ay naging status symbol na para sa iba ang pag-aalaga ng mga purebred o mamahaling mga aso. 

Sa panahon ngayon na usong-uso ang mag-alaga ng mga asong cute at kadalasan ay mga “imported”, bakit mo nga ba dapat piliin ang mag-alaga ng isang askal? Maraming rason kung bakit hindi dapat iwasan o ikahiya ang pag-aalaga sa kanila. Tulad din ng ibang mga aso, ang mga askal ay deserving din sa attention at pagmamahal mo. 

Bakit nga ba Askal? 

Ang salitang askal ay nanggaling sa dalawang Filipino words na aso at kalye. Ang mga asong ito ay kadalasan kasing makikitang pagala-gala sa kalsada. Sa mga panahon ngayon ay kilala na rin ang mga askal sa tawag na “aspin” o  Asong Pinoy. Kilala rin sila bilang mga native dogs in the Philippines or mongrels dahil nga laganap sila kung saan-saan at mahirap na i-identify sa mga breed ng aso na karaniwan nating alam.

Ayon kay Prof. Jimmuel Naval, Ph.D., isang expert sa Philippine Studies, “Domestic animal lovers tayong mga Pinoy.” Dagdag din niya na, “yung mga aso natin katulong ‘yan sa agrikultural na gawain.” Sa katunayan nga, nabanggit din ni Prof. Naval na ang mga askal raw ay tumutulong sa pang-huli ng mga pugo noon. 

Ang salitang aspin naman ay sinumulang gamitin noong 2000s ng ilang mga organization para sa aso para mas bigyang dignidad ang cute na mga alagang ito.  

Bakit nga ba Sila Kinakatakutan?

Karaniwan na sigurong topic sa kwentuhan ang mga pagkakataong hinabol tayo ng mga aso noong tayo ay bata pa. Ang nakakalungkot pa dito, may mga pangyayari rin na nakakagat ang mga bata ng mga askal. Maari ang mga kwentong at experience na ito ang naging rason kung bakit tayo natakot sa mga askal.

Kung sa itsura naman, maaring nasanay tayo sa ang mga askal ay marumi at sobrang payat. Minsan, makikita rin sila na puro sugat o galis. Ito ang mga kadalasang rason kung bakit pinangdidirian ang mga asong ito. Pero, bakit nga ba naging ganito ang image nila? 

Sabi ni Valarie V. Tynes, DVM, DACVB, “Animal behavior problems can be complex.” Ito raw ay result ng interaction ng genes at ng environment.

Dahil marami nga sa mga askal ay lumaki lamang sa kalye, malamang ay hindi sila lumaki ng may tamang pag-aalaga at disiplina. Katulad din ng ibang mga aso, ang ugali ng mga askal ay produkto ng training o ang kawalan nito. 

Ang malala pa rito ay maaari silang mga naging biktima rin ng karahasan kung kaya sila naging agresibo. Tulad din ng ibang mga hayop, ang mga askal ay nagiging defensive kung may naramdaman o nakita silang panganib. Hindi maipagpapaliban na maaaring nakaranas ng karahasan ang mga asong ito sa kanilang paglaki kaya nagresulta sa pagiging agresibo. 

Nakakalungkot din isipin na karamihan ng mga askal ay ginagawa lang din mga bantay o guard dogs. Kaya sila ay parating nakatali o nakakulong at hindi nilalaro ng mga amo. 

“Play-related and predatory aggression are considered non-emotional,” sabi ni. Dagdag din niya, “while most other forms of aggression are referred to as affective, meaning the behavior results out of frustration or from a threat. Agression in cats and dogs is most commonly caused by negative emotional states and anxiety,” sabi ni  Dr. Kelly Ballantyne, DVM, DACVB .

Ngunit, dahil na rin sa mga advocacies ng mga dog lovers, marami na ang magpapatunay na hindi naman talaga agresibo ang mga askal. Sa katunayan nga, maraming magsasabi na mas malalambing pa ang mga askal sa ibang aso na may lahi. Tulad ng iba pa nating mga alaga, kung may sapat na pagmamahal at pag-aaruga sa kanila, ay maaring mapantayan o mahigitan pa nila ang love and paglalambing ng mga imported dogs.

Ito ang ilang mga rason kung bakit dapat ka mag-adopt ng isang askal o aspin:  

General Characteristics ng Askal 

Ang mga askal ay combination na ng iba’t ibang lahi ng aso. Hindi man sila maihahalintulad sa mga sikat na breed na alam natin ngunit, hindi ibig sabihin nito na wala silang sariling mga katangian. 

Variety 

Walang iisang itsura ang mga askal. Depende sa mga magulang nito ang kalalabasan ng mga cute na pet dogs na ito.  Bagamat may kadalasan ay medium-sized ang mga ito, makakatagpo ka rin ng mga maliit at malalaking nito. Mayroon ding mga mahahaba ang balahibo at mayroon din naming maikli lang. upang mapanatili ang ganda ng kanilang balahibo at balat, pakainin sila ng malinamnam at masustansyang Pedigree dog food.

Wala rin iisang kulay ang mga askal, mayroon mga askal na brown, white, black, at iba pa. Ang pagkakaiba-iba ng itsura ng mga askal siguro na rin ang dahilan kung bakit naging pangkaraniwan para sa mga Pinoy na tawaging “Brownie”, “Whitey”, at “Blackie” ang ating mga aso.  

Ito ang kagandahan ng mga aspin, lagi kang makakatagpo ng aspin na naayon sa gusto mong mga katangian. Minsan nga ay nakaka-excite pa makita ang maaring kalabasan ng mga asong ito kapag sila ay ipapanganak pa lamang.  Para makahanap ng mga aspin, maari kang bumisita sa mga organization tulad ng PAWS o sa dog pound ng iyong lugar. 

Appreciative and Thankful

Malungkot man isipin, sanay ang mga askal sa karahasan sa kalye. Dahil madalas silang katakutan at iwasan, hindi karaniwan para sa askal ang makaramdam ng pagmamahal. Ito ang dahilan kung bakit sadyang grateful at appreciative ang mga askal sa mga simpleng pagpapakita ng pagmamahal at pag-alaga ng mga tao. Sabi ng ibang mga nag-aalaga ng askal, natutunan ng mga ito maging masihayin at malambing kapag nasanay na sila sa tao.

Hindi tulad ng ibang purebred na aso, hindi mo kailangang tutukan ang mga askal. Sila ay very independent sa mga pangangailangan nila kung kaya kahit kaunting attention lang ay madali silang paamuhin. Madali mong mararamdaman ang pasasalamat ng mga askal kahit na sa kaunting attention na binibigay mo sa kanila.

Low maintenance

Hindi man  pare-pareho ng itusra, kadalasan sa mga askal ay maiikli ang buhok. Hindi mo silang kailangang ipa-groom nang madalas. Kailangan lang na madalas mo silang paliguan. Subukang gamitin ang razor na ito sa pagpapaganda ng iyong alagang aso.

Bukod sa madali silang panatilihing malinis, hindi rin picky eaters ang mga asong ito. Dahil sanay sila sa kalye, hindi sila mapili kung ano ang kanilang kakainin. Kadalasan nga ay mga tira-tirang table food ang kanilang kinakain. Pero, pwede and madali rin naman silang pakainin ng dog food. Pwede mo i-observe kung ano ang magugustuhan nilang pagkain o kung sakaling may allergies pala sila sa ilang mga pagkain. 

More resistant to diseases 

Ang mga aspin ay galing na sa nagkahalo-halong mga breeds ng aso. Dahil dito, nagkasanga-sanga na rin sila ng family tree. Ayon sa mga experts, ang pagkakahalo-halo rin na ito ang dahilan kung kaya bihira sa mga askal ang mga genetic diseases. Bigyan sila ng HUGGIBLES All-In-One multivitamins.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit laganap ang mga askal pero ang mga purebred ay kadalasang nagkakasakit?  Ilan sa mga nag-aalaga ng mga askal ang nakapansin na hindi basta- basta tinatablan ng sakit ang mga aspin lalong lalo na ang mga askal na matatagpuan sa kalye. Madalang din maging biktima ng parvo virus ang mga askal kung ikukumpara sa mga purebred.

You Just Have To Adopt 

Money can’t buy you love nga naman pagdating sa mga askal. Hindi mo sila makikita o mabibili sa mga pet shop. Ang mga cute na cute na aspin ay pwede niyong ampunin mula sa inyong mga kaibigan o mga dog shelter. 

Ang Philippine Animal Welfare Shelter o PAWS ay isa sa mga organization na nagsisilbing temporary homes ng mga aspin at puspin (pusang pinoy). Mayroon silang four steps para makapag-adopt. 

1. Meet and Greet

Sa step na ito, maari mong makilala ang iyong prospective pet. Dahil iba’t iba ang katangian ng isang askal mas maganda makita mo sa personal ang cute na askal na gusto mong ampunin.

2. Application and Interview 

Ang prosesong ito ay para masiguro na bagay kayo ng askal na napili mo. Ginagawa rin ang step na ito para masiguro na mapupunta sa mapagmahal na pamilya ang mga aso. 

3. Shelter Visits 

Kasama sa proseso ng pag-ampon mula sa mga shelter ang pagbisita sa shelter ng tatlong beses. Sa panahon na ito, mas makikita mo kung good fit nga ba kayo ng napili mong aso. 

4. Home Visits 

Isang volunteer or staff member ng PAWS ang maaring dumalaw na iyong tahanan para mas makilala pa ang ibang miyembro ng inyong pamilya. Dito rin tinitignan ng PAWS kung ang tahanan niyo ba ay naayon at nababagay para sa askal na aampunin. 

Ang isa pang pwede niyong puntahan upang makapag ampon na askal o aspin ay ang Compassion and Responsibility for Animals o CARA Welfare Philippines. Katulad ng PAWS ay mayroon silang proseso sa pag-aampon ng aso. Ang CARA ay may adoption fee na 1,200 pesos. Kung kayo ay desidido na mag-ampon ng isang askal, maari niyong puntahan ang CARA Welfare Philippines website para sa karagdagang impormasyon. Kung mayroon kayong iba pang questions maari niyong bisitahin ang PAWS. Mayroon lamang adoption fee ang PAWS na 1000 para sa mga aso nito. Ito ay para kumpleto na sa vaccines at walang ticks and fleas ang inyong iuuwing askal. Sila rin ay spayed na or neutered pag-uwi niyo.

They Can Learn Tricks and More 

Ang mga askal ay lumaki at naging hustler na sa lansangan. Masasabi na sila ay mga street smart o maalam sa kalakaran ng  kalsada. Marunong silang mamuhay na walang kasiguraduhan ng kakainan, tutulugan, o aruga ng isang magulang. Habang tumatanda, natuto silang mag-survive sa buhay ng mag-isa o kasama ang kanilang tropang askal din. 

Ilang mga nag-aalaga sa mga askal ang nagpapatunay sa pagiging matalino ng mga askal dahil kaya nilang umuwi nang mag-isa sa mga panahong sila ay nakakatakas o nakakalabas ng gate. Mayroon ding mga askal ang sumikat sa Pilipinas dahil sa kanilang angking talino at pagiging cute. May mga askal din na nagsisilbi na sa ating komunidad bilang mga K-9.

Narito ang ilan sa mga kilalang aspin sa Pilipinas: 

Kabang- The Hero Dog 

Si Kabang ang tinaguriang hero dog dahil naisalba niya ang buhay ng dalawang batang babae na sina Dina Bunggal (11 years old) at Princess Diansing (3 years old). Tumalon si Kabang sa harap ng isang motorcycle para maligtas ang mag-pinsan. Dahil sa pangyayari, nawalan ng snout at upper jaw si Kabang. Si Kabang ay isang patunay na ang mga askal ay sadyang mapagmahal at may malasakit sa mga tao. 

Kimchi: Philippine Dog Athletics Association

Si Kimchi ay kilala bilang “Champion Dog” dahil sa pagkilala sa kanyang galing sa Frisbee at remarkable agility skills ng Philippine dog Agility Association noong 2015. Si Kimchi ay pumangalawa sa isang pedigreed dog at nabilang sin sa Top 8 ng nasabing competition. Ang galing at athleticism ni Kimchi ay nagpapatunay na kaya rin ng mga askal makipagsabayan sa mga purebreds pagdating sa ganitong larangan. 

AFP’s K-9 Dogs

Ang Armed Forces of the Philippines o AFP ay kinilala ang galing at tapang ng mga aspin bilang magagaling na K-9 dogs. Ayon sa AFP ay mas nababagay daw ang mga askal o aspin bilang K-9 security unit kaysa sa mga “imported” breeds. Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, nababagay ang mga askal dahil sanay na sila sa weather ng Pilipinas. Hindi sila mabilis mapagod dahil sa init. 

Panda,  The Fashionista

Maria Panda Ongpauco Escudero or Panda ay ang sikat na aso na si Heart Evangelista. Si Panda ay isang rescue dog at isang aspin. Pero malayo sa pangkaraniwang pagtingin ng mga tao sa askal, si Panda ay isang fashionista tulad ng kanyang mommy. Makikita na madalas siyang nakabihis ng mga luxury items tulad Hermes scarves, Goyard collars, at iba pa. Panda is living the life!

Pwede niyong subukan gawing fashionista rin ang inyong mga askal, The Furry Companion has cute furry accessories for your pets. 

Why Would Choose Purebreds Than Askal? 

No apparent reason. Bilang mga dog lovers, hindi natin dapat tinitignan o pinagbabasihan ang breed ng aso para sila ay mahalin at alagaan. Ngunit, para lamang mas marami tayong mainspire na mag-alaga ng askal ay ikinumpara natin sila sa mga purebred. 

Ang mga askal ay walang pinagkaiba sa mga purebreds bukod sa maari mo i-rehistro ang mga purebreds. Kung gusto mo lang talaga ng asong aalagaan at mamahalin, walang pinagkaiba ang pag-aalaga ng mga isang askal sa mga purebreeds. Tignan mo lang ang mga aso, bilang aso hindi kung ano ang lahi nila. 

Bago ka mag-decision kung talagang gusto mo mag-alaga ng aso aspin man o purebred, tanungin mo muna sa sarili mo ang mga katanungan na ito: 

1. Bakit ko nga ba gusto ng aso? 

Marami sa mga askal ay nagiging aggressive o nakakatakot dahil kulang sila sa aruga. Hindi sila naging parte ng pamilya. Kadalasan ay ginagawa lang silang bantay ng bahay. Highly discouraged ka na kumuha ng aso kung ganito lang din ang dahilan mo. Deserve ng bawat aso ang mahalin at alagaan. Hindi lang sila dapat katakutan ng mga kapitbahay at magnanakaw. 

2. May oras ba ako para makipaglaro at alagaan ang aso ko?

Oras at atensyon ang kailangan ng mga aso. Mas makabubuti para sa mga aso na mayroon kang sapat na oras para makipaglaro at mapadama ang pagmamahal mo sa kanila. 

3. Bakit hindi ko subukan mag-adopt kaysa bumili? 

Maraming mga aso ang nag-aantay lang ng pamilyang kabibilangan lalong lalo na ang mga askal o aspin. Bago gumastos ng malaking halaga para sa mga imported na aso, bakit hindi mo pag-isipan na mag-ampon? 

Welcome an Aspin at Home

Ayon kay Dr. Helen Brooks BSc, MRes, Ph.D., “Pets provided a unique form of validation through unconditional support, which they were often not receiving from other family or social relationships.” 

Kapag nakapag-decide ka na na gusto mong mag-ampon ng isang askal o aspin ay hindi mo ito pagsisihan. Sabi ng mga experts, ang pag-aalaga ng aso ay nakabubuti para sa ating mental health. Kung kaya, ang pangangalaga sa ating mga aso lalo na ang mga askal ay ikabubuti ng mga askal pero pati na rin ng buhay mo. 

Frequently Asked Questions

Where did “askal” originate from?

Ang salitang “askal” ay nagmula sa dalawang Filipino words na “aso” at “kayle”. Dahil madalas sa kalye nakikita ang native dogs ng Pilipinas, pinagdikit ng mga tao ang dalawang mga salitang ito. 

What is the difference between “aspin” and “askal”?

Pareho silang tawag sa native dogs ng Pilipinas. Ang “aspin” ay ginamit buhat na rin ng kampanya ng mga organization para mas bigyang dignidad ang mga “asong Pinoy” . 

Do I still have to get my Askal Vaccinated? 

Of course! Kahit kilalang matitibay ang pangangatawan ng mga askal, mas mabuti pa rin na ipabakuna ang ating mga alaga. Tulad ng ibang mga aso, nararapat lang na may anti-rabies shots ang inyong mga askal. 

Are Askals aggressive? 

Hindi, lalong lalo na kapag may tamang pag-aalaga. Isa ito sa mga stereotype ng mga tao tungkol sa kanila, kaya maraming natatakot na mag-adopt.

Are askals smart? 

Yes, with proper training ang mga askal ay maari rin matuto ng tricks katulad ng mga purebred. May mga askal na rin na  inihahanda para maging bahagi ng K-9 units ng AFP. 

Where can I get an Askal?

Maraming organization ang may dog center kung saan maari kang bumisita at mag-ampon ng aso. Pwede mo rin tanungin ang inyong munispyo kung mayroon silang mga asong pwedeng ampunin sa mga dog pound. Ang isang kilalang organization na nagpapaampon ng mga aso ang PAWS.

What do Askals normally eat?

Hindi sila pihikan sa pagkain, kahit ano ay kinakain nila. May mga askal na mas gusto kainin ang mga tira-tirang table food pero maari niyo rin silang bigyan ng dog food. Mabuting i-bserve niyo lang kung magkakaroon ng allergy ang inyong alaga.  

Can I leave my children to play with an Askal? 

Yes, of course! Askals are just like any other dogs. Iparamdam niyo lang ang tamang pag-aalaga at pagmamahal sa mga alaga niyong Askal at siguradong lalaki silang maamo at mapagmahal din. Pero mag-observe pa rin ng proper precautions lalo sa mga maliliit na bata.

How do I train my Askal?

Mas mahirap i-train ang askal kaysa breed dogs, dahil nasanay na silang ginagawa ang gusto nila. Gusto mong magsimula sa basics katulad ng sit, stay, come, at iba pang mga commands na nagdidisiplina sa iyong askal. Pag disiplinado na siya, saka mo sya turuan ng mga tricks katulad ng handshake at rollover.

What kind of dog breed is Askal?

Are Aspins rare?

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *