Sari-saring Facts at Trivia Tungkol sa mga Corgi

https://www.instagram.com/p/CBY9q_3Jao5/

Patusok na mga tenga, mahabang nguso, napakacute na likuran, at maiikling mga binti, iyan ang mga katangiang una mong mapapansin sa mga corgi. Usong-uso at viral nga sa mga social media platforms ang cute na lahing ito dahil sa kanilang mga tumbong na tila tumatalbong-talbog tuwing sila ay naglalakad o tumatakbo. Bukod sa nakakaaliw silang tignan, kilala rin ang mga corgi dahil sa pagiging bibo at matalino nito. Kasama ang The Furry Companion, mas kilalanin pa natin ang mga Corgi. 

Mayroong dalawang klase ng mga ito ang Pembroke Corgi at ang Cardigan Corgi. Naniniwala ang mga breeder na magkahiwalay na na-develop ang dalawang klase ng mga ito. Pero, hindi naman sila nagkakalayo sa ugali, katangian, at itsura.  Kapansin-pansin lang na medyo mas malalaki at mabibigat ang mga Cardigan Corgi kaysa sa Pembroke. Ang mga tenga ng Cardigan Corgis ay kapansin-pansin na mas bilugan sa dulo kaysa sa mas patusok ng Pembroke Corgis. 

Ang pinakamadaling palatandaan upang ma-distinguish ang dalawang klase ng mga corgi ay ang pagtingin sa kanilang mga buntot. Ang mga Pembroke Corgi ay docked samantalang ang mga Cardigan Corgi ay mahahaba ang mga buntot.

General Characteristics

https://www.instagram.com/p/CBYNGIYJZHk/

Ang mga asong ito ay maaring tumimbang hanggang 30 pounds o 13 kilograms. Kaya nilang tumagkad hanggang 10 inches hanggang 12 inches at maari silang mamuhay mula 12 years old hanggang 14 years old. 

Kilala ang mga corgi bilang mga herd dogs. Sila ay karaniwang tumutulong sa kanilang upang bantayan ang mga kabayo, tupa, at mga baka. Ngayon, ang mga ito ay madalas inaalagaan dahil sila ay bibo, matalino, at madaling turuan. Bagay na bagay din ang mga ito sa pamilyang mga mga bata dahil gentle ang mga ito. 

Mayroon limang kulay ang mga Pembroke Welsh Corgis ito ay ang mga sumusunod: 

  1. Red 
  2. Red-headed tricolor 
  3. Black-headed Tricolor 
  4. Sable
  5. Fawn
https://www.instagram.com/p/CBaIzQ4n80V/

Mas madalas makakita ng mga red at red-headed tricolor na corgi dahil mas dominant gene ang katangiang ito. Sa lahat ng mga kulay, ang pinakabihira makita ay ang sable. Ang mga sable ay may itim na likod sa kanilang spine hanggang sa leeg habang ang tagiliran naman nila ay kulay pula at balahibo sa may bandang dibdib ay pinutian. 

Corgi Ay Mga Dwarf Dogs

Distinctive o kakaiba ang pagkakaroon ng maiikling biyas ng mga ito. Isa siguro ito sa mga katangian kaya sila nakakaaliw tignan. Ngunit ang quality na ito ay dulot ng pagkakaroon ng health condition na tinatawag na achondroplasia. 

“Dwarfism or achondroplasia is believed to be an autosomal dominant condition that is commonly seen in some miniatures,” sabi ni Kenneth Marcella, DVM.

Tulad ng mga dachshunds, ang condition na ito ang dahilan kung bakit maiikli ang legs ng mga asong ito. Ang health condition na ito ay hindi naman dapat ipagalala. Maari mo itong pasuutin ng inflatable dog collar kagaya nito.

https://www.instagram.com/p/CBaHrOwJvZy/

Ang Alamat Ng Corgi 

Ang mga Pembroke Welsh Corgi ay nagmula sa Pembrokeshire, Wales. May mga naniniwala sa alamat na nanggaling ang mga asong ito sa fairy at elves. Ayon sa kwento, mayroon daw dalawang bata na naglalaro sa kanilang kalupaan habang inaalagaan ang mga baka. Doon, ay nakita nila ang mga tuta at inakala nila itong mga fox. Ngunit napansin nila na may kakaiba tungkol sa natagpuan nilang hayop kaya nagpasiya ang mga bata na iuwi ang mga ito. 

Pagkauwi ng mga bata ay ipinakita nila ang mga hayop sa kanilang mga magulang. Doon, sinabi ng mga magulang na hindi ito fox ngunit mga tuta na  regalo mula sa mga fairy na nakatira sa kanilang bakuran. Ayon sa kwento, ang mga ito daw ay ginagamit ng mga fairy para hatakin ang mga karwahe ng mga fairy kapag sila ay nasa digmaan.

https://www.instagram.com/p/CBXlX58J5zl/

Upang mapaniwala ang kanilang mga anak, sinabi ng magulang na ang mga marka sa likod na corgi ay dahil sa pagpatong ng saddles ng mga fairy sa kanilang mga balikat. Natuwa ang mga bata sa kwentong ito at mula noon ay lubos na minahal ang mga tuta. Lumaki ang mga bata kasama ang mga cute na asong ito na magkatulong sa pag-aalaga ng kanilang mga baka. 

History – Saan Nga Ba Galing Ang Corgi? 

Ayon naman sa mga historian, ang mga ito ay maaring nagmula sa mga Vallhunds, Sweedish cattle dogs na dinala ng mga Vikings sa Wales noong 9-10th century. Samatantala, mayroon din mga naniniwala na nagmula ang angkan nito kapareho ng pinagmulan ng mga  Pomeranians at Schipperkes na dinala naman ng Flemish weavers sa Wales  noong 12th century.

 Ang salitang “corgi” naman ay sinasabing nanggaling sa pinagsamang salita ng mga Welsh na “cor” na ang ibig sabihin ay “bantayan” o “ipunin” habang ang “gi” naman ay ang Welsh word para sa “dog”.

Mahirap man makasiguro sa tunay na pinagmulan ng mga corgi, ang sigurado ay matagal na silang tumutulong sa trabaho ng mga magsasaka.

https://www.instagram.com/p/CBaGSpnCoFj/

Kilalanin Ang Personalidad At Kantangian Ng Mga Corgi 

Masisipag 

Dahil na rin siguro kilala bilang mga herding dogs ang mga ito ay hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nila ang pagiging masisipag. Madali silang matuto at masunod sa mga utos. Dahil na rin siguro sa katangiang ito kung kaya madalas na sumasali ang mga corgi sa mga competition para sa agility, obedience, conformation, at herding. Sanayin siya gamit iton Nerf Dog Tennis Ball Shooter.

Madaldal 

Kasama na rin siguro ng kanilang playful personality, ang mga asong ito ay mahilig tumahol. Maari silang tumahol dahil sa kahit anong bagay. Dahil na rin dito kung kaya bagay na watch dogs ang mga corgi. Pero huwag mag-alala, sa tamang training at pag-aalaga ay madali naman itong bigyan ng solusyon. Kontroling ang kanyang pagtahol gamit itong Dog Bark Controller.

Masayahin at Mapagmahal

https://www.instagram.com/p/CBaFDM3pclW/

Nababagay ang mga ito bilang family dog dahil mapagmahal sila sa kanilang pamilya. Gusto nila ang napapasaya ang kanilang mga amo. Hindi mo kailangang mag-alala na iwan ang mga bata kasama ang mga corgi dahil sigurado na mag-eenjoy silang magkasama. 

Madali Turuan 

Ang mga asong ito ay matatalino kung kaya madali sila turuan. Pero minsan ay gusto rin nila na mag-isip para sa kanilang mga sarili dahil na rin siguro ito sa mapaglaro nilang personalidad. Maging matiyaga lang sa pagtrain at disiplina ng iyong alaga. 

Mahilig Kumain

https://www.instagram.com/p/CBaBoTdnVNG/

Dahil sa hilig nila kumain, malaki ang posibilidad na maging obese ang mga ito. Madali silang ma-motivate dahil sa pagkain lalong lalo na tuwing training. Para maiwasan ang maging obese ang inyong mga alaga, siguraduhin na may enough exercise siya at moderate lamang ang pagbibigay ng mga treats at pagkain. Huwag padadala sa paawa nilang mga mukha. 

Karaniwang Health Problems Ng Mga Corgi

Hip Dysplasia 

Ang kondisyon na ito ay namamana. Naapektuhan nito ang pag-develop ng hip-and-joint ng mga corgi. Kapag tumagal at lumalala, ang hip dysplasia ay maaring magdulot ng hirap sa paggalaw o loss of joint function. Hindi biglaan ang paghina ng kanilang mga joints. 

Bukod sa namamana ang pagkakaroon ng hip dysplasia, maari rin itong magsimula dahil sa obesity na iyong mga alaga. Ang sobrang kabigatan ng mga corgis ay nagbibigay ng pressure sa kanilang mga joints kahit sa mga simpleng paggalaw lang. Maari rin pagmulan ng ganitong kondisyon ang sobra-sobrang pag-galaw o physical activity.

https://www.instagram.com/p/CBaG0S1n97f/

Maaring mayroong ganitong kondisyon ang iyong mga corgi kung mapapansin niyo na hirap sa pagtayo, pagtalon, o kapag nahihirapan sa paglalakad ang inyong mga alaga. Maari niyo rin mapansin ang labis-labis na pagdila nila sa kanilang hips. Upang makasiguro kung may hip dysplacia nga ang inyong mga corgi, maaring payuhan kayo ng inyong vet na isailalim sa x-ray ang inyong alaga.

Kabilang sa mga treatments para sa hip dysplasia ay ang physical therapy, inflammatory medications, o surgery.

Ayon kay Dr. Ursula Krotscheck, DVM, “You can just remove the femoral head—the ball part of the hip’s ball-and-socket joint—and you do not replace it. The muscles that normally hold those components of the hip will essentially continue to do their job, but without the painful bone-on-bone contact.”

Kung kinakailangan, maaring imungkahi ng mga doctor ang pagsailalim ng inyong alaga sa operasyon. Pero ito ay sa mga severe cases lamang. Para maiwasan ang ganitong kundisyon, siguraduhin na hindi magiging obese ang inyong corgi. Pero alalahanin din na dapat may sapat na panahon din sila na makapagpahinga pagkatapos ng exercise. Kahit na anong sobra ay nakakasama kahit sa ating mga alaga.

https://www.instagram.com/p/CBaAJl0jF0v/

Progressive Retinal Atropy 

Ang condition na ito ay naapektuhan ang photoreceptors ng mga mata ng mga corgi. Habang tumatagal lalong lumalabo ang mga mata ng mga asong ito at maari rin magresulta sa pagkabulag. Hindi man sila makaramdam ng sakit, maaring maapektuhan ang kalidad ng pamumuhay ng mga alagang corgi kung sila ay mawalan ng kakayahan na makakita. 

“PRA is an inherited disease observed in purebred dogs but may be seen in mixed breeds. In most breeds, the disease is inherited by simple autosomal recessive mode. Autosomal recessive inheritance requires one bad gene from both parents. Neither parent may be affected by the disease but both have to be carriers of the trait.  The age of onset varies with the breed affected with some breeds demonstrating clinical signs within the first years of life while others may be elderly before vision loss is observed,” pagtalakay ni Brady Beale, VMD, DACVO.

Kabilang sa sintomas ng pagkakaroon ng progressive retinal atropy ay ang “ night blindness” o ang hirap sa pagkita sa gabi. Maari itong mapansin sa mga aso kung sila ay biglang natatakot o kinakabahan na sa tuwing lalabas ng bahay sa gabi. Kadalasan ay nag-aalangan na sila lumabas dahil natatakot sila mabangga dahil sa dilim. Mapapansin din dito kapag naging reflective ang mga mata sa tuwing tatamaan ng ilaw o ang pagiging laging dilated ng mga pupils.

https://www.instagram.com/p/CBZ-o7EJLtY/

Sa ngayon, walang lunas ang Progressive Retinal Atropy pero may mga doktor na patuloy na nag-aaral tungkol dito. Hindi mo naman kailangan masyado matakot para sa iyong alaga, dahil hindi masakit ang pagkakaroon ng Progressive Retinal Atropy. Pero kung kayo ay nangagnamba para sa inyong  corgi, bumisita sa inyong vet para humingi ng payo kung paano mas mapapagaan ang buhay at makapag-adjust ang inyong mga alaga. 

Dahil sa pagkakaroon ng Progressive Retinal Atropy hindi malayo na magkaroon din ng katarata ang inyong mga corgi. Bagamat may treatment para sa katarata, madalas ay hindi na ito inirerekomenda ng mga doktor dahil hindi ito garantiya na aayos o lilinaw ang paningin ng aso. 

Degenerative Myelopathy

https://www.instagram.com/p/CBZ9P0fpqkk/

Ang degenerative myelopathy ay isang kondisyon na nakakaapekto sa central nervous system, spinal cord, at brain stem ng mga aso. 

Ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng degenerative myelopathy ay ang muscle atrophy and problema sa posture ng likod, paralysis, and pagbaba ng muscle mass. Sa ngayon, hindi pa rin alam ng mga espesyalista ang sanhi ng pagkakaroon ng degenerative myelopathy pero inihahambing nila ang posibilidad ng pagkakaroon nito sa genes. Wala pa rin alam na lunas ang mga doktor para dito. Kadalasan, ang mga asong nakakaranas nito ay pinapayuhan lang ng techniques upang makagaan sa pang-araw araw na pamumuhay ng aso. 

Von Willebrand’s Disease

Ang Von Willebrand’s Disease ay isang hereditary disorder na nagdudulot ng bleeding sa mga corgi. Ang mga aso na mayroong ganitong kondisyon ay mababa sa normal na lebel ng isang uri ng protina na sanhi ng blood clotting. Dahil dito, madaling magkaroon ng pasa, madalas na nosebleeding, at may maari din makakita ng dugo sa bibig ng isang corgi. 

Hindi madaling malaman kung mayroon ganitong kondisyon ang mga corgi. Kadalasan ay nalalaman lang ito kapag sumasailalim sa operasyon ang corgi dahil sa labis na pagdurugo nito. 

https://www.instagram.com/p/CBZ8Hp9p4Wr/

Para malaman kung ang corgi ay may Von Wilebrand’s Disease, maaring isailalim ang corgi sa genetic testing para sa VWF gene. 

Maaring nakakatakot at nagdudulot ng pangamba ang mga sakit na ito. Pero, hindi naman kayo dapat matakot dahil maari pa rin naman itong iwasan. Bilang corgi parent, mayroon kayong mga hakbang na pwedeng gawin upang panatilihing malusog at Masaya ang inyong mga corgi. 

Tips Sa Tamang Pangangalaga Sa Iyong Corgi 

Mag-exercise

Ang mga corgi ay playful at athletic dahil na rin ito sa pagiging kilalang herding dogs nila. Kailangan nilang gamitin ang kanilang enerhiya sa exercise. Tandaan lang na dahil sa mahahaba nilang spine at maiikling binti, iwasan ang patalunin sila mula sa matataas na lugar para maiwasan ang problema sa buto tulad ng pagkabali nito. 

Tamang Diet

Mahilig kumain ang mga corgi. Kailangan i-monitor ang kanilang pagkain para maiwasan ang pagiging obese nila. Sanayin ang inyong mga alaga na kumain ng dalawang beses lamang sa isang araw at sa itinakdang oras lamang. Iwasan ang kaugalian na pag—iwan ng pagkain sa kanilang bowl.

https://www.instagram.com/p/CBZ7buTj7R-/

Grooming 

Ang mga asong ito ay double-coated na may makakapal na undercoat and mahabang topcoat. Dahil na rin dito kung kaya nakakaranas sila ng paglalagas ng balahibo dalawang beses sa loob ng isang taon. Para maiwasan ito, ugaliing suklayin ang kanilang balahibo.  Paliguan rin ang mga ito tuwing kinakailangan, sa madalas na pagpapaligo ng mga corgi ay maaring mabawasan ang pagkalagas ng kanilang balahibo. Bisitahin ang article na ito para sa tips kung paano humanap ng reliable dog groomer.

Ang mga ngipin ng mga corgi ay dapat sinisipilyuhan din para maiwasan ang pagkabulok nito. Bukod dito, maiiwasan din ang pagkakaroon ng mabahong hininga at gum disease ng mga corgi sa tulong ng regular na pagsisipilyo. 

Sino-sino Ang Mga Sikat Na May Corgi? 

1. Queen Elizabeth II of England 

Ang reyna ng England na si Queen Elizabeth II ay niregaluhan ng kanyang tatay na si Kung George VI ng una niyang Pembroke Welsh Corgi noong 1933 na pinangalanan niyang Dookie. Simula noon ay minahal ng Reyna ang lahing ito ang umabot sa 30 na corgi ang kanyang inaalagaan.Simula noon ay kilala na ang mga corgi bilang royal dogs dahil sa pagmamahal ng royal family dito.

https://www.instagram.com/p/B_NqWwOHMr1/?igshid=1u12cokw4gpnp

2. Stephen King 

Stephen King ay isang mahusay na manunulat na kilala sa kanyang mga suspense, science-fiction, at fantasy novels. Ilan lamang sa mga kilala niyang mga gawa ang It, Carrie, The Mist, at iba pa. Isa rin siya sa mga nabighani sa cute na mga corgi. Si Molly ang corgi ni Stephen na tinatawag din niyang “The Thing of Evil”.

3. Tallulah Willis 

Si Tallullah Willis ay isa sa tatlong anak ng kapwa artistang sila Bruce Willis and Demi Moore. Tulad ng kaniyang mga magulang ay umaarte din si Tallulah at napanuod sa pelikulang The Whole Ten Yards, Scarlet Letter, at iba pa. Minsang nakita si Tallulah na buhat buhat ang cute niyang corgi.

Bakit Mo Gugustuhin Na Mag-Alaga Ng Corgi?

https://www.instagram.com/p/CBaB4-aJ96x/

Ang pangangalaga ng aso ay magdudulot sa iyo ng kasiyahan sa buhay. Dahil sa kanila, hinding hindi ka mag-iisa lalong lalo na ang mga corgi. Dahil sa kanilang katalinuhan, madaling turuan ang mga corgi. Parati rin silang curious at may hilig para matuto. 

Ang mga corgi ay sensitibo lalong lalo na pagdating sa kanilang amo. Bagay na bagay sila maging companion ng mga tao. Mahal na mahal nila ang kanilang mga amo at gusto nila na lagi silang napapasaya. Dahil sa mga corgi, lagi kang may makakasama sa buhay. Dahil madali silang turuan, marami kang tricks na pwedeng ituro sa kanila na ikaaaliw mo rin. 

Ang mga corgi ay susuklian ang pagmamahal mo at hinding hindi ka pababayaan. 

Frequently Asked Questions 

Ilang klase ng corgi ang mayroon? 

Dalawang klase ang corgi: Cardigan Corgi at Pembroke Welsch Corgi. Ang kanilang main difference ay ang Pembroke Welsh Corgi ay walang buntot. Bukod doon, ang mga Cardigan Corgi naman ay may pabilog na tenga samantalang ang Pembroke Welsh Corgi ay patusok.

Pwede bang tumira sa apartment ang mga corgi? 

Oo bagamat kilala silang herding dogs, bagay rin ang mga ito manirahan sa mga apartment. Dahil sa mapagmahal at angking katalinuhan nito, madaling mag-alaga ng corgi sa mga apartment. 

Ligtas ba iwan ang mga bata kasama ang corgi? 

Oo, likas na mapagmahal at maalaga ang mga corgi. Iba’t iba man ang ugali ng mga aso, ang corgi ay kadalasang gentle para sa mga bata. 

Ilang kulay ang mga corgi?

Mayroong limang klase ng kulay ang mga asong ito – red, red-headed tri-color, black-headed tri-color, sable, at fawn. Pinakamadalas makita ang red corgis at pinaka-bihira naman ang mga sable. 

Gaano kahaba ang life-span ng mga corgi? 

Ang mga ito ay maaring mabuhay mula 12 years old hanggang 14 years old.Ngunit,  depende pa rin ito sa pangangalaga mo bilang amo. 

Gaano kadalas kailangan ipa-groom ang corgi? 

Sila ay may makakapal na balahibo. Bukod sa paglalagas ng balahibo dalawang beses sa isang taon na maaring solusyonan ng madalas na pagsusuklay at paliligo, hindi naman nila kailangan ang madalas na pag-groom. 

Madali ba turuan ang mga corgi? 

Oo, ang mga ito ay kilala sa pagiging matalino. Dahil dito madali silang turuan ng tricks at madalas pang maisali sa mga contest. 

Dapat ko bang ikabahala ang dwarfism ng isang corgi?

Hindi. Ang dwarfism ay isang katangian na di kakaiba sa mga corgi. Hindi dapat ka dapat mag-alala dito dahil lahat ng corgi ay may dwarfism. Iwasan lang ang pagpapatalon sa mga corgi mula sa mataas na lugar para maiwasan ang pagkabali ng buto. 

Ano ang kadalasang sakit ng mga corgi? 

Maganang kumain ang mga corgi na nagiging dahilan ng kanilang obsesity. Para maiwasan ito, i-monitor ang pagkain at ugaliing ilakad ang inyong mga corgi.

Pwede ko bang ihalo ang corgi sa ibang breed ng aso?

Pwedeng pwede! Pwede kang magkaroon ng samu’t saring halo ng breed, katulad ng chigi (chihuahua at corgi), chorgi (chow chow at corgi), at porgi (pug at corgi). Kailangan mo lang maging maingat; baka magkaroon ng iba’t ibang pangkalusugang problema ang aso mo dahil maaari siyang makakuha ng mga sakit na mayroon din ang breed na ihahalo mo sa kanya.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *