Usong uso na ngayon ang mga asong tinatawag na Aspin o Asong Pinoy. Ang Aspin ay isang klase ng Mongrel o non-bred na aso. Dati, askal o “asong kalye” ang tawag sa mga asong pinoy. Ngunit noong 2007 ipinaglaban ng Philippine Animal Welfare Society na palitan ang pangalang Askal dahil may kaakibat itong masamang stigma. Mula noon, tinatawag na ang mga katutubong aso bilang Aspin. Kaya naman Askal is out, Aspin dog is in!
Bukod pa sa pagiging katutubo ng mga ito, marami pa ang dahilan ng mga organisasyon sa pagpapaganda ng imahe ng aspin dog. Maraming iba’t ibang breeds ng aso sa Pilipinas, ngunit walang ibang katulad nito. Heto ang mga dahilan para kumuha ng Aspin dog.
Table of Contents
The Branding of Resilience
Much like Filipinos, Aspins are resilient. Sanay na sanay sila sa iba’t ibang klima at kapaligiran dahil sa kanilang mga ninuno. Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa bansa, marami nang Pilipino ang may alagang aso. Madalas tumulong ang mga ito sa mga gawain sa bukid, kagaya ng pangangaso ng mga pugo. Dahil sa mga ganitong karanasan ng kanilang mga ninuno, naging matatag ang mga aspin dog.
Sanay din ang mga aspin dog sa init ng panahon dito sa Pilipinas. Magaling silang lumangoy at kayang kaya nilang masanay sa mga physical activities kagaya ng jogging. Isang halimbawa na rito si Boonrod. Boonrod was found swimming 135 miles off the coast of Thailand. Pagod man ang aso noong siya’y nasagip mula sa dagat, ang endurance niya sa paglangoy ng ganoon kalayo ang katunayan na matatag ang mga asong pinoy.
Low-Maintenance Care
Laki sa lansangan o sa bukid ang mga aspin dog kaya naman sila ay di mapili sa mga bagay bagay. Go lang nang go kumbaga. Malalakas din ang sikmura nila kaya naman pwede silang pakainin ng mga pagkaing inihahanda rin natin para sa ating pamilya. Ngunit may mga nakagawian sa pag-aalaga ng Aspin na kailangang baguhin. Halimbawa ng mga ito ay ang pagpapakain lamang ng tira-tirang pagkain sa kanilang alagang aso at hindi maayos na pagtrato dito bilang isang ganap na alaga. Maaari mong gamitin itong hammock para sa mga aso upang mas mapabilis ang iyong pag-aalaga sa kanila.
Ayon kay Dr. Wilford Almoro, isang licensed veterinarian, “The Aspin has done pretty well for a breed that doesn’t get much attention, and, especially in the provinces, doesn’t ever get to visit a vet until the dog is practically dying.” Ang mga ito ay hindi kagaya ng ibang mga aso sapagkat kaya nilang mabuhay nang malaya at manatili pa ring malakas.
Ngunit hindi dahil low-maintenance at matatag ang mga Aspin ay iiwanan na natin silang mag-isa. Alagaan natin ang ating mga alagang aso, para maalagahan din nila tayo ng husto. Basahin sa article na ito ang mga tips ang The Furry Companion para sa kung papaano pangalagaan ang mga aspin dog.
The Aspin Dog is Streetsmart and Trainable
Karamihan ng mga asong pinoy ay makikita lamang na pagala-gala sa lansangan. Kahit na may mga amo sila at may sariling bahay, ninanais pa rin ng mga ito ang kalayaan. Higit sa kalayaan ay ang kanilang kagustuhang makisalamuha sa mga kaibigan o kapitbahay nilang kapwa aso. Aspins roam around all the time, yet by the end of the day, they still find their way back home. Dahil dito, naparatangan ang mga aspin dog bilang street smart.
More than their inherent wits of direction, these dogs can be trained just like any purebred dog. Gaya nga ng sabi ni Jojo Isorena, isang certified Canine Training and Behavior Specialist, “Aspins are as trainable as any dog.” Nagsasama na rin ng mga Aspin sa kanilang mga special task ang Philippine Army. Noong 2016, isa si Roy ang nabigyan ng certificate para sa kanyang kontribusyon sa landslide rescue mission.
Isang Aspin din ang naging kasama sa cast ng musical na Annie noong 2016. Kwento ng kanyang amo na si Brad Feliciano, “It was mostly playing, calling the dog back and forth, giving him what he wants. Si Feliciano ang kaisa-isang Certified Behavior Consultant, Canine, Knowledge Assessed sa Pilipinas.
Familial Benefits
Higit sa pagiging matalino at matatag, maamo rin ang mga ito. Madali silang pakisamahan ng mga bata at magaling din silang magbantay. Masasabi rin, mula sa pagkapanganak pa lang nila, na may iba’t ibang personalidad ang mga ito. Dahil sa kanilang variety, kayang kaya nilang makipagsabayan sa iba’t ibang gimmick na gusto ng mga amo nila. Bigyan ang iyong alagang aso ng dog treat bilang reward sa kanya.
Ngunit kung gaano sila kalapit sa kanilang amo, ay ganun naman sila kalayo sa ibang tao dahil hindi sila madaling magtiwala ng ibang tao. Dahil dito, madalas na palayaw sa kanila ang “Bantay”. Lots of households use them as guard dogs, with their older dogs on a leash outside their homes. Ngunit minsan ay nakakalimutan natin silang bigyan ng pagmamahal at pag-aaruga. Ang bawat alagang aso ay deserving sa isang maayos na tulugan at kainan. Maaari mong ikabit sa leash na ito ang iyong alagang aso.
Support for an Advocacy
Dahil sa kalakasan nila, hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang mga asong pinoy. At ayon sa mga pagsusuri, halos 95% ng kaso ng animal cruelty sa bansa ay ang pambibiktima ng mga ito. Dahil dito, patuloy na ipinaglalaban ng mga animal welfare organizations ang karapatan ng mga Aspin. Unti-unti na rin na sumisikat ang mga asong ito, mula sa mga adoption centers hanggang sa mga dog shows.
Malaki ang maitutulong ng simpleng pag-ampon at pag-aalaga sa mga ito sa pagsulong ng karapatan nila. Kung gusto mo mang magbigay pa sa ng mas malaking ambag sa kilusan, ang pagbibigay ng karaniwang donasyon ay malayo na ang mararating.
Tanggalin din natin sa isipan natin na dahil lang hindi purebred ang mga ito ay mas mababang uri sila kumpara sa iba. Alalahanin na ang mga Aspin ay matatag, matalino, trainable, at mapag-aruga. Higit sa lahat, sana’y tangkilikin natin ang mga ito dahil katutubo rin sila sa Pilipinas, gaya natin. Kaya ano pang hinihintay mo, humanap ka na ng maaalagaaan mong Aspin!
FAQ
What kind of dog is Aspin?
Ang mga Aspin ay mga mongrel sapagkat wala silang ganap na breed. Madalas din na pinapagtambal ang mga ito sa mga asong may breed para magkaroon ng mga mixed breed na aso. Kagaya ng mga Pilipino, ang mga asong pinoy ay mahilig makipagkapwa kaya naman madalas silang makita paliguy-ligoy sa mga kalye o daanan. Ang mga tenga nila ay kadalasang patusok o minsan ay floppy. Ang mga asong ito ay madalas din na may mahabang nguso.
How do you know if your dog is Aspin?
Aspins descended from Native Philippine dogs, of which their breeds are unknown. Magkakaiba ang mga katangian ng ito dahil na nga sa pagiging mixed breed nito, ngunit may mga pagkakaparehas naman ang karamihan. Ang mga asong pinoy ay medium-sized na may magaspang at maikling balahibo. Madalas sila ay kulay brown, white, black na may mga maliliit na pantal o spots sa kanilang katawan at buntot.
What does Aspin mean?
It is a shortened version of “Asong Pinoy”. Dati silang tinatawag na Askal o Asong Kalye. Ngunit dahil may negatibong imahe ang naturing pangalan, inilaban na mapalitan ang pangalang “Askal”.
What kind of dogs are in the Philippines?
May iba’t ibang klase ng aso na meron sa Pilipinas. May mga maliliit na aso kagaya ng Pug, Beagle, Chihuahua, Pomeranian, at Shih Tzu. ang mga maliliit na asong ito ay cute at friendly, kaya naman madali silang pakisamahan.
May mga mas malalaking aso naman kagaya ng Golden Retriever, German Shepherd, Chowchow, Labrador Retriever, at Doberman. Ang mga malalaking asong ito ay madalas na ginagamit bilang guard dogs dahil sila’y matatalino at magaling dumepensa.
Syempre meron din ang mga asong pinoy, ang breed ng aso na likas sa Pilipinas. Katamtaman ang kanilang laki at sila rin ay isinasama sa iba’t ibang mga gawain. Hindi lang sila madaling pakisamahan, magaling din silang magbantay.
What do you call a dog with no breed?
Mongrels ang tawag sa mga asong walang breed. Kadalasang tinutukoy ang mga asong pinoy bilang mongrel dahil sa dami ng pinaghalong breed upang mabuo ang mga unang native na Filipino dogs. Hindi rin ganap na alam kung ano ang mga ninuno ng mga asong Pilipino kaya sila tinatawag na mongrel.
How can I identify the breed of my dog?
Para malaman ang breed ng aso mo, kailangan mong maging pamilyar sa iba’t ibang breed ng aso. Unahin mong tignan kung anong klaseng ulo ang meron ito, saka mo isunod na suriin ang anyo ng kanilang tenga at buntot. Mahalaga ring tignan ang kanilang kulay at balahibo.
Maari mo ring malaman ang breed ng iyong aso sa pamamagitan ng isang mobile app. May listahan ito ng mga breed ng aso at may kasamang picture para mas maigi ang iyong pag-uuri.
What dog lives the shortest life?
Ang mga French Mastiff ay may life expentancy lamang na 5-8 years. Sila ang breed na may pinakamaiksing buhay. Ang mga Bernese Mountain Dog naman ay may life expectancy na 7 years.
How much is dog in Philippines?
Malawak ang saklaw ng presyo ng aso sa Pilipinas. May mga aso kagaya ng Tibetan Mastiff na umaabot ang halaga sa Php 300,000 kung bibilhin ito sa mga pet store. May mga aso rin naman na libre, mga pamigay lang ng mga kakilala, o mga asong pwedeng ampunin nang libre mula sa mga rescue organizations.
Do mixed breed dogs live longer?
Mas mahaba ang life expectancy ng mga mixed breed dogs kaysa sa mga inbred dogs. May mga genetic illnesses ang ibang mga asong may breed na naipapasa lamang nila sa kanilang tuta o offspring. Samantalang ang mga mixed breed dogs o mutts ay may mas kaunting risk sa mga genetic na sakit kaya naman madalas na mas mahaba ang buhay nila kaysa sa mga asong pure ang breed. Ang mga asong pinoy ay mga mixed breed na aso.
Do street dogs make good pets?
Nakasasaya at nakatutuwang gawing alaga ang mga street dogs o asong kalye dahil sila ay low maintenance. Mabilis din silang mag-adjust sa kanilang paligid. Bukod pa rito, matalino sila. Mayroon ang mga itong natural instincts laban sa mga taong di nila kilala. Madalas silang tinatawag na ‘bantay’ dahil sa proteksyong nabibigay nila sa kanilang mga amo. Maliban sa kanilang protective instinct, sila’y tinatawag na street smart dahil kaya nilang umuwi sa bahay pagkatapos ng isang buong araw na paglalakwatsa.