Kahit ang ating fasionist-slash-artista Heart Evangelista ay napamahal na sa mga aspin. Bida lagi sa social media ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ambassador ang kanyang beloved companion na si Panda. Marami din sa aming writers dito sa The Furry Companion ay may mga kasamang alaga sa bahay.
Pero ano nga ba ang asong Pinoy at paano natin pwedeng alagaan ang ating mga fur babies?
Table of Contents
Aspin O Askal?
Bago ang lahat, ano ba muna ang aspin at paano ito naiiba sa askal? Ang “askal” ay hango sa “aso” at “kalye.” Pinalitan ito ng PAWS noong 2007 at binigyan ng bagong tawagan na “asong Pinoy”. Iniba nila ito dahil sa stigma na naiuugnay sa “askal.” Tama naman at hindi lamang mga nasa kalye ang ating mga asong Pinoy.
Ang mga asong ito ay parang mongrel kung saan hindi siya masasabing galing sa iisa o dalawang breed lamang. Sila ay produkto ng paghahalo-halo ng mga iba’t-ibang lahi ng aso.
Dahil dito, iba-iba din ang kanilang physical appearance at pati na rin ang pag-uugali. Ngunit masasabing mas moderate o balanced ang kanilang temperament. Sabi ni Wilford Almoro, DVM, “In terms of health, they’re more resistant because they have adapted to the situation, the climate, and the environment.”
Mas gusto nga ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga asong Pinoy kaysa mga imported na breed. Mas sanay sila sa ating klima at panahon, at mahahaba din ang kanilang mga life span.
Tamang Pag-Aalaga
Housing
Marami sa atin ay may alagang aso dahil kailangan natin ng bantay sa bahay. Kadalasang mga aspin ang mga pinipili natin para maging guard dog.
Para sa ibang may-ari ng asong Pinoy, hindi sila pinapapasok ng bahay at sa labas lamang sila natutulog. Gayunpaman, dapat bigyan pa rin sila ng maayos na matutulugan. Ang mga aso nga na purebred tulad ng Shi Tzu ay madalas binibigyan ng sariling higaan.
Dapat ay may tamang tulugan ang ating mga asong pinoy. Ang iba ay ginagawan pa ng dog house para mas komportable ang kanilang alaga. Alalahanin natin na maari silang magkasakit pag naulanan at nilamigan. Naiinitan din ang ating mga alaga at hindi pwedeng matulog lamang sa mainit na sulok sa labas.
Maglagay ng sapin o kama ng aso para sa inyong alaga. Siguraduhin din na may bubong sila para hindi mabasa kapag umulan o bumagyo.
Huwag din natin hayaan na nakakulong lang sa isang kulungan ang ating aso. Ang kahit anong lahi ng aso ay kailangan makagalaw at magkapag-exercise. Maaaring itali na lamang ang aso para hindi ito gumala kung saan-saan.
Wastong Pagkain at Tubig
Ang problema ng mga ibang fur parents ay ang pagiging mapili ng mga alaga nila sa pagkain. Pero pagdating sa mga aspin, hindi sila gaanong kaselan sa pagkain. Kadalasang mga pagkain din sa bahay o tira ang kanilang kinakain.
Gayunpaman, dapat siguraduhin pa rin natin na sapat ang kanilang kinakain para sila ay maging malusog at masigla. Pwede sila pakainin ng manok, isda, baboy, at iba pa. Pwedeng-pwede din ang kanin at nakakatulong pa ito sa mga may edad na aso.
Try mo din haluan ng pedigree beef or chicken. Sulit na sulit itong 24 packs na Pedigree.
Alalahanin lang ang mga bawal sa mga aso, kahit anong lahi pa ito, tulad ng:
- Tsokolate
Parang lason ang tsokolate sa mga aso dahil sa theobrominena meron nito. Maaaring magkaroon ng heart problems at seizures ang inyong alaga na magiging sanhi ng kanilang pagkamatay. - Buto ng manok
Maaari silang mabilaukan o matusok sa mga buto na ito. - Bawang at sibuyas
Pwedeng magkaroon ng anemia ang inyong aso kapag nabigyan ito ng bawang at sibuyas. - Mga matatamis
- Karamihan ng mga matatamis na pagkain tulad ng candy at mga ibang baked goods ay minatamis gamit ang xylitol. Pwedeng biglang bumagsak ang blood sugar level ng inyong alaga o kaya magkaroon ng liver failure. Huwag tayo mag-iwan ng mga pagkain na ganito na maaari nilang makuha o makain nang hindi natin napapansin.
Siguraduhin din na lagi silang may tubig na malinis, lalo na kapag mainit ang panahon. Ang mga alagang hayop din natin ay pwedeng ma-heat stroke tulad ng tao.
Exercise
Tulad ng sinabi natin kanina, ang mga aso ay kinakailangan ng exercise kada araw. Hindi sila pwedeng makulong lamang sa bahay o kanilang kulungan. Kailangan nila nito upang manatiling malakas at masigla.
Pwede natin sila isama kapag nag-jogging tayo sa umaga. Pwede rin natin sila maging kalaro dahil maamo ang mga asong Pinoy. Makatutulong ito sa kanilang kalusugan at pati na rin sa ating bond o pakikisama natin sa kanila. Kung wala naman tayong oras para sila ay samahan, pwede natin sila itali at hayaang makalakad o tumakbo sa harapan ng bahay.
Veterinary Care
Kadalasang nakakalimutan ng mga pet owner ang pagdadala ng kanilang mga alaga sa veterinarian. Makabubuti na dalhin sila dito para sa regular na check-up. Ito ay para sa kanilang kalusugan at para mas matagal natin silang makakasama.
Nasa batas natin na kailangan regular na nababakuna ang ating mga alaga laban sa rabies. Ito ay para sa kaligtasan ng ating mga aso, pati na rin sa mga tao sa paligid niya. Kadalasan naman ay may veterinarian sa ating Local Government Unit (LGU) na nagbibigay ng libreng bakuna kada barangay.
Importante na dalhin sila sa isang vet kapag sila ay nagkasakit. Huwag tayo umasa lamang sa mga nababasa natin online at maaaring mas lalo silang mapahamak o magkasakit.
Kung kaya din ng ating finances, pwede rin natin lagyan ng microchip ang ating alaga. Ito ay nilalagay sa ilalim ng balat ng aso na may code o numero na mababasa ng isang scanner. Mailalagay dito ang detalye tungkol sa aso tulad ng pangalan, pangalan ng may-ari, address, at iba pa. “Ang chip na yun ang magiging lifetime identity ng aso,” sabi ni Flor Abe, DVM.
Regular na Grooming
Madalang na makakita ng asong Pinoy na dinadala sa mga professional groomers. Kung titingnan naman natin, hindi masyadong high-maintenance ang mga aspin kumpara sa mga ibang lahi ng aso.
Kadalasan, ang kailangan lang ng asong Pinoy ay regular na pagliligo, paglilinis ng tenga, at pagputol ng kanilang kuko. Kung may pagkahaba ang balahibo o buhok ng aso ay pwede din ito gupitan kada buwan.
Inirerekumenda na paliguan ang ating mga alaga kada dalawang linggo. Ngunit, depende rin ito sa inyong aso kung kinakailangan siyang paliguan nang mas madalas. Ginagawa rin ito upang matanggal o makaiwas sa pulgas.
Ang pag-trim ng kanilang kuko ay para hindi rin sila masaktan o maaaring manakit o makasira ng gamit.
Bonding
Siyempre, huwag nating kalimutan na kailangan din natin sila samahan. Makipag-bonding din dapat tayo sa ating mga fur babies. Pakitaan natin ng pagmamahal ang ating alaga. Pwede natin sila i-pet, bigyan ng mga treats, at siguraduhin na komportable sila sa bahay o kahit sa labas. Maaari din natin sila turuan ng mga tricks tulad ng mga ibang aso.
Syempre, para sumunod yung aso mo sayo, kailangan may mga treats ka na gusto niya. Ito yung favorite ni Holly, Dentastix. Hindi kami binigo ng dog treat na ito. Try mo rin dahil for sure magugustuhan ‘to ng mga aso.
Summary
Ang asong Pinoy ay tulad lang din ng kahit ano pang purebred na aso. Karapat-dapat din sila mahalin at alagaan nang maayos. Siguraduhin natin na mayroon silang maayos na matutulugan, pagkain at tubig, ehersisyo, tamang grooming, at veterinary care. Dapat din makipag-bonding tayo sa kanila, tulad ng mga ibang miyembro ng ating pamilya.
Sabi nga ni Dr. Almoro, “Aspin, shih tzu, pit bull—they are all the same, they need the same affection… When someone says, ‘askal lang,’ it’s like you’re saying, ‘Pinoy ka lang.’” Dapat masaya at proud tayo sa ating mga alaga na tatak Pinoy talaga.
Frequently Asked Questions (FAQs)
Is Aspin a Breed?
Ang iniisip ng karamihan ay walang lahi ang mga asong Pinoy. Ngunit ang “aspin” mismo ay isang breed kung saan ito ay halo ng mga iba’t ibang klase ng aso. Hindi maiuugnay sa iisa o iilang lamang lahi ang asong Pinoy. Sila ay maihahalintulad sa mga mongrel na aso.
Are Aspin Dogs Smart?
Sabi natin ang mga asong Pinoy ay halo ng iba’t ibang lahi. Dahil dito, pati katangian at personality nila ay magkakaiba. Marami sa kanila ay matalino at palakaibigan sa tao. Makikita ang talino nila kay Kabang, isang aso na sumikat dahil iniligtas niya ang dalawang bata bago masagasaan ng isang motor.
How Do You Know If Your Dog is Aspin?
Ang mga asong ito ay karaniwang may maikling buhok tulad ng mga Beagle at kulay puti, itim, grey o brown. Pwede rin itong magkaroon ng brindled o spotted na kulay. Ang nguso naman nila ay pahaba. Maaaring may pagkakaiba dito ang mga ibang asong Pinoy, ngunit ito ang mga kadalasang katangian nila.
What Does Aspin Mean?
Ang pangalang “aspin” ay galing sa pinagsamang mga salita na “aso” at “Pinoy” para maging “asong Pinoy.” Dati ay ginagamit ang salitang “askal” o “asong kalye” ngunit pinalitan ito ng PAWS para maiwasan ang stigma. Kadalasan kasi naiisip ng tao na nasa lansangan lamang ang mga asong ito o pagala-gala lamang sa kalye.
How Many Puppies Can An Aspin Have?
Ang isang asong Pinoy ay pwedeng magkaroon ng mula tatlo (3) hanggang walong (8) tuta. Karamihan ay nagkakaroon ng mga anim (6) na tuta sa isang litter.
What Is Askal in English?
Walang katapat sa wikang Ingles ang mga salitang “askal” at “asong Pinoy.”
How Long Does An Aspin Live?
Ang mga asong Pinoy ay may lifespan na 15-20 years. Mas matagal ito kung ikukumpara sa mga purebred tulad ng Golden Retriever na 11 years ang karaniwang haba ng buhay. Dahil na rin siguro ito sa pagkakahalo ng iba’t-ibang lahi at nababawasan ang posibilidad na magkaroon ng genetic problems.
Do Aspin shed?
Hindi masyadong kailangan ng grooming ng mga Aspin, at hindi din sila masyadong naglalagas ng balahibo. Dahil maiksi lang ang balahibo nila sa katawan, hindi nila kailangang madalas na ginugupitan. Hindi din sila kailangang pinaliliguan maya’t maya. Minsanan lang kailangan dalhin ang iyong aspin para i-groom at siguruhing wala siyang kuto, lisa, o anumang ibang parasites sa kanyang katawan.
Is Aspin dog smart?
Can Askal be trained?