Table of Contents
Askal Dog: Paano ang Tamang Pagtrato sa Kanila?
Ang mga katagang ito ay narinig o nabasa natin nang mas madalas nang pumatak ang panahon ng quarantine. Magmula kasi noong tumaas ang unemployment rate sa Maynila bunsod ng pandemya, maraming pamilya ang nagdesisyon na umuwi na lamang sa kani-kanilang probinsya. Ngunit dahil marami naman ang hindi makauwi dahil sa kakulangan sa transportasyon, dumoble ang bilang ng mga stray animals tulad ng askal dog, sapagkat marami ang nawalan ng kanilang mga pamilya at tagapag-alaga.Â
Ayon sa Firstpost, isang news and media agency sa India, maraming mga tindahan at establisyemento ang nakaugalian nang pakainin at alagaan ang mga puskal at askal dog sa ibaât ibang lugar sa naturang bansa. Sa pagsasara ng mga negosyong ito, naapektuhan rin ang pagkain at tirahan ng mga stray animals na. Nabanggit pa nga rito ang isang askal dog na naiwang mag-isa sapagkat ang tindero ng gulay na nag-aalaga sa kanya ay hindi na nakapagtinda dahil sa lockdown.
Kapansin-pansin rin ang pagtaas ng bilang ng mga animal shelters at rescue sites na umaapela ng tulong gaya ng Philippine Animal Rescue Team, at iba pang lokal na rescue sites sa mga probinsya. Marami ang nanghihingi ng donasyon dahil kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga nirerescue at iniimpound na mga askal dog, marami ring mga regular donors na napilitang tumigil muna sa pag-aabot ng tulong sa mga shelter na ito.
Sa gitna ng mga ganitong unfortunate events sa buong mundo, marami pa ring mga mabubuting loob na pinipiling tumulong at alagaan ang mga stray animals na ito na walang pamilya, sa gitna ng pandemya. Isa na rito ang Pawssion Project, na layuning bigyan ng pagkain ang mga stray animals at magbigay inspirasyon rin sa mga tao na mabigyan man lamang ng pagkain at inumin ang mga ito sa kani-kanilang mga lugar.
With this, ano nga ba ang ating magagawa upang kahit papaano ay mapangalagaan ang mga askal sa lansangan kung hindi natin sila kayang i-adopt?
1. Huwag itaboy ang mga askal dog.
Nakagawian na ang pagtataboy sa mga askal dahil sa paniniwalang masasanay raw itong makikain o makiinom, at magpapababalik-balik ito kapag patuloy na pinakain ng mga nakatira sa bahay. May posibilidad pa raw itong maging rabid o matapang kapag tumigil na pakainin sila.Â
Ngunit ayon kay Dr. Robin Foster, Ph.D., CAAB, âAnxiety-based problems are difficult to treat, and in both people and animals there can be an unexpected increase in fear in the absence of any negative experiences.â Ang pagiging rabid o matapang ng isang aso ay dahil sa trauma na marahil ay naranasan niya o siya ay galing sa isang anxiety-induced environment, at hindi dahil sa pagtigil ng pagkakain sa kanya.Â
Kung may ikaw ay may pag-aalangan o takot na sila ay pakainin, maaari na mag-iwan na lamang ng lalagyan ng pagkain at inumin saka ito i-refill ng kahit isang beses sa isang araw. Pwede rin silang ilagay sa dog house katulad nito.
2. Huwag lasunin ang mga askal dog.
Maraming online forum ang nagdidiskusyon kung epektibo ba ang paglalagay ng betsin sa pagkain ng askal upang ito ay mamatay. Whether effective ito o hindi, tandaan na labag sa batas ang pagpatay sa hayop ayon sa RA 10631, o ang Animal Welfare Act of 1998. Ngunit hindi lahat ng pagpatay sa hayop ay bawal lalo at may mga exceptions sa mga ito.Â
Dagdag pa rito, ayon sa isang eksperimentong isinagawa ni Dr. John Olney, MD, âRecently it was found that a similar process of acute neuronal necrosis occurs in several regions of the infant mouse brain after subcutaneous treatment with MSG, and that animals treated with high doses in infancy tend to manifest obesity and neuroendocrine disturbances as adults.âÂ
Ibig sabihin, ang paglalagay ng MSG sa pagkain ng aso ay maaaring magdulot ng ng di kanais-nais na epekto sa alagang hayop. Ito pa marahil ang maging sanhi na biglang tumapang ang askal at makapagdulot ng mas malaking problema sa komunidad. Bigyan sila ng nararapat na pagkain.
3. Siguruhin pa rin ang ibayong pag-iingat lalo na kung may alagang bata.
Talaga namang nakakaawa at mabigat sa puso tuwing may askal na walang tirahan lalo na sa panahon ng pandemya, ngunit huwag natin kalilimutan na mag-ingat sa paglapit masyado sa mga ito. Mag-doble ingat din kung unang beses makakasalamuha ang aso o meron tayong kasamang bata. Marami sa mga askal dog ang hindi nabakunahan ng anti-rabies, at ang rabies ay isa sa mga pinakamadalas na sakit na pumapatay sa mga aso. Â
Ayon sa pag-aaral ng Department of Health noong 2012, halos nasa 200,000 ang bilang ng mga asong may rabies, at nasa 150,000 naman ang mga batang biktima nito. Kunsakaling makagat ng askal dog, hugasan agad ng sabon ang kagat at pumunta agad sa ospital upang matukoy kung may rabies nga ba ito at nang mabigyan agad ng gamot upang maiwasan ang impeksyong dulot nito. Bigyan sila ng dog house kagaya nito upang maalagaan nila nang maayos ang kanilang mga supling.
4. Ugaliing mag-ingat sa pagmamaneho.
Taun-taon, libo ang naitatalang kaso ng pagkamatay ng mga askal dog na nasasagasaan at hinahayaan na lamang mamatay sa daan ng mga driver. Mahirap tanggapin na tila normal na lamang sa atin, lalo na sa mga major highways, ang makakita ng mga patay na aso sa daan. Kung minsan pa, sila ay kinukuha hindi upang ilibing, kundi para kainin o ipulutan.
Ayon sa pag-aaral ni Lynn Buzhardt, DVM, ang mga hayop ay meron ding mga psychological stressors. âThe signs of canine anxiety are often subtle. In fact, some stress-related behaviors mimic normal canine anticsâ Samakatuwid, hindi lamang tayong mga tao ang may stress stimulus. Ang mga aso, laloât higit ang mga askal dog ay maaaring nakaranas rin ng mga psychological stressors na ito.Â
Ito marahil ang dahilan kung bakit karamihan sa mga vehicular accidents ay dahil sa biglang pagtakbo ng askal sa gitna ng kalsada. Maaaring sila ay napunta sa sitwasyong tumaas ang stress level nila kaya ang natural instinct ay biglang tumakbo at lumayo doon, kayaât marapat na ugaliin nating maging maingat sa pagmamaneho dahil hindi natin alam kung biglang may tatawid na askal sa daan.
5. Makipag-ugnayan sa mga rescue groups.
May ibaât ibang rescue groups, gaya ng Pawssion Project, na naglalayong mabigyan ng pagkain at mapangalagaan ang mga stray animals na ito. Kung ikaw ay interesado, maaaring kang makipag-ugnayan sa mga organisasyong gaya ng Pawssion Project. Ngunit kung ikaw naman ay naninirahan sa ibang bansa, maaari ka naman magbigay ng donasyon sa mga organisasyong gaya ng PAWS o ng The Furry Companion.
Bawat sentimo na iyong maidodonate ay talagang makakatulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga ito. Ang mga donasyon ay maaari ring gamitin sa pagdala sa kanila sa doctor lalo na kung sila ay nanghihina o may malalalim na sugat na kailangan ipagamot.
Sa kabilang ng negative na image nila, deserve ng mga askal dogs ang makaranas ng pantay na pangangalaga at pagtrato. Ang lahat ng hayop ay ginawa nang pantay-pantay kaya lahat sila ay dapat minamahal. Kung interesado kang mag-adopt ng askal dog, basahin ang article na ito.
Frequently Asked Questions (FAQs)
How can you tell if a dog is Askal?
Kapansin-pansin sa kanila na ang kanilang kulay ay naglalaro lamang sa black, brown, gray, cream, o kadalasan ay puti. Ang mga askal dogs ay madalas rin merong spots sa may buntot at sa likod. Ang kanilang tenga ay nakataas, at ang ilong ay itim. Matatangkad rin karamihan ng mga askal dog dahil ang structure ng kanilang mga buto ay medium-range gaya ng Rottweiler.
Who is Kabang?
Si Kabang ay isang sikat na askal dog na tubong Zamboanga City. Ang askal dog na ito ay nagligtas sa dalawang batang babaeng anak ng kanyang amo. Ang mga bata ay patawid na sana sa kalsada, at hindi napansing may paparating na motor. Pero sila ay naligtas sa tulong ni Kabang na tumalon sa bandang harap ng motor upang sagipin sila. Nasira ang buong mukha ni Kabang dahil dito. Dahil sa kabayanihang ipinamalas ng askal dog na ito, siya ay libreng dinala sa America upang magamot at gumaling.
What is the best food to feed stray dogs?
Maaaring pakainin ng tirang pagkain ang mga aska dogl. Kailangan lamang siguruhin na ang kanilang pagkain ay hindi panis o sira. Maaari rin silang lutuan ng kanin at lagyan ng tirang ulam, siguruhin lang na ang ulam o kanin ay walang MSG o anumang halo na maaaring makasakit sa kanila.
How should one groom an Aspin/Askal?
Dahil sa maiikling balahibo nila, hindi kailangan dalhin sa pet salon ang mga aspin dog. Siguruhin lamang na madalas silang napapaliguan upang maiwasan ang pagkakaroon ng garapata lalo na kung may mga nakakasalamuhang bata sa bahay.
Should stray dogs be brought to the vet?
Ang mga askal dog ay kagaya din lang ng purebred dogs na kailangang regular na magpacheck-up sa beterinaryo. Dapat ay nababakunahan rin sila ng anti-rabies vaccine at iba pang bakuna upang masiguro na sila ay malusog at hindi magiging harmful sa mga tao sa paligid nila.
Do they need exercise?
Low maintenance ang mga askal dog kayaât hindi kailangan ng high level ng ehersisyo. Sapat na sa kanila ang makalakad-lakad sa labas at bumabalik rin naman bago lumubog ang araw.
Can street dogs be trained?
Hindi lang purebred dogs ang natuturuan ng tricks, maging ang askal dog ay maaari ring matrain. Sa katunayan, nagkaroon ng proyekto ang AFP na ang mga askal dog na ang kanilang i-tetrain upang maging K9 dogs. Mas sanay raw kasi sa ating environment ang askal dog kumpara sa mga purebreds gaya ng German Shepherd, Labrador, etc., na kapansin-pansing mabilis mapagod pag matagal na nakatayo.
How do we lessen street animals?
Pinakamabisang paraan upang mabawasan ang mga askal/aspin, puskal/puspin, etc. ay ang pag neuter/spay sa kanila para hindi na sila dumami. Ang iba ay inaadopt muna sila, ang tawag ay foster care, saka sila pinapaneuter/spay at saka binabalik sa kung saan sila nakita. Ang pagpapaneuter/spay ay ang pagtanggal ng reproductive system ng mga ito upang hindi na sila magkaroon ng kapasidad na manganak at dumami.
What do you do when an askal approaches you?
Huwag kang matakot, kasi hindi ka naman sasaktan ng askal dog kung hindi niya makita na magtatangka kang saktan siya. Huwag din basta bastang tatakbo palayo: pwedeng mabigla ang askal dog, at kahit na papalayo ka ay mas hahabulin ka pa niya. Kung nakaharang ang askal dog sa nais mong daanan, tumingin lamang sa baba, panatilihing kalmado ang paghinga, at maglakad ng normal hanggang sa nais mong patunguhan.
How do you calm a stray dog?